Ilang araw na ang nakakaraan nang masira ang isa sa mga pinakakailangan kong mga application sa laptop ko dahil sa update na hindi naman kailangan. Pota. Struggle maghanap nun. Wala akong installer. Isang buong taon ko ring hinanap ang illegal na serial number at activation code nun. Buti na lang may internet.
Ilang beses ka na rin sigurong napasabak sa tinatawag na piracy o pamemeke. Sa batas, mali ito. Isang uri ng pagnanakaw kung saan nababawasan ang kita ng kumpanyang gumawa ng pinarata mo. Ngunit sa kalagayan mo ngayon, maiisip mo pa ba ang batas ngayong kailangang kailangan mo ang isang bagay na hindi kaya ng bulsa mo. Ipagpapalit mo ba ang isang piratang kopya ng Adobe Creative Suite sa halagang 200 na naglalaman naman ng magkatulad na produkto sa halos magkaparehong kalidad sa isang tunay na kopya na nagkakahalagang 156,000? Syempre hindi. Kung isang estudyante ka lamang na umaasa lang sa magulang mo para sa salapi, malamang sa pek
e ka na. Hindi mo rin naman kakailanganin ang lisensya ng produkto. Hindi mo na rin maiisip ang mga magkabilang dulo ng tama at mali. Hindi na rin naman nasusunod ang batas. Sa pinakataas nga hindi na, ano pa kaya sa isang simpleng paggamit ng internet o pagbili sa bangketa. Tanda ko noong 2nd year ako nung nagpunta kami ng kapatid ko sa Greenhills. Sa gitna ng aming paghahalungkat ng mga pek halos 8000e, bigla umusbong ang isang raid. Kabado. Huli. Puta. Fast getaway agad. Naghintay ng isang oras at bumalik sa pinangyarihan ng krimen at panalo. Mga pulis na ang bumibili sa bangketa. At sa iba namang kwento, may kabarkada ako sa Batangas na hepe ng pulis ang tatay. Excited lagi yun kapag may raid. Kasi lahat ng kumpiskadong porno at bagong pelikula sa bangketa, nauuwi sa bahay nila, cool.
Ayun. Ano nga ba ang laban mo sa pirata? Sa internet pa lang, talamak na ang mga peke sa torrent sites. At dahil burat ako sa mga kapitalistang nagpapatakbo ng mga negosyo para sa hindi makatarungang mga presyo, on the hunt na naman ako para sa mga illegal na kopya ng mga kinakailangan ko sa buhay. haha Panalo at nakahanap nga ako ng application para sa Apple na naglalaman ng lahat ngmga gumaganang serial number at activation code para sa halos 8000 applications na nagawa para sa Apple. Iserial reader. Haha Hanap ka na rin.
Handa na ba kayo mga pirata? Argg! Scurvy! Argg!
