Dalawang taon na ang nakakaraan nang una akong magsulat sa blog na ito. Habang binabasa ko ang mga talatang matagal nang nasulat sa lugar na ito, marami na ang nagbago sadaloy ng isipan ko. Hindi ko talaga masasabing umunlad. Mas masasabi ko pang lalong lumala ang pagiging sabaw ng utak ko at pagiging emosyonal sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Panalo pa rin. Hindi pa rin naman nagbabago ang layunin ko sa buhay na magpatuloy na lamang at panagutan ang lahat ng ginagawa kong kabalastugan at katinuan. Hindi man lagi nangyayari, patuloy ko pa ring isinasabuhay ang mga nais ko. Palala na nang palala ang sitwayon habang tumagatal. Kailangang harapin ang mga bagong pagsubok dahil hindi naman dumadali ang paglalakbay mo. Sa bawat hakbang, lalaong kumikitid ang daan. Minsan , naiisip mo rin na parang wala ka nang patutunguhan. Na lalo ka nang nagiging bobo. Na wala na. Patalo. Patay ka na. Kailangang magpatuloy. Bawat hakbang, may pag-asa.
At ngayon tinatapos ko na ang pakikipag-ugnayan sa lugar na ito. Marami nang nangyari at pagbabago. Magsisimula ka na sa pagbabago. Ang alaala ng mga nakalipas na ay iiwan na sa lugar na ito. Paminsan-minsan, babalikan pa rin dahil bahagi ito ng historicity at pagkabuo ng pagkatao. Hindi naman makataong makalimot na lamang sa mga bagay na bumuo sa sarili. Tinatapos ko na ang pagsusulat sa lugar na ito. Itatago na ito sa kailaliman ng aking kamalayan gaya ng mga bagay na itinago ko sa lugar na ito. Nang sinimulan ko rin namang buuin ang tirahang ito, hindi ko naging layunin na may magbasa.
Who reads this bullshit anyway? At dahil dun, salamat sa lahat ng bumisita sa lugar na ito. Sa mga naligaw lang, salamat. Kung nagbasa ka, salamat kung hindi, salamat na rin. Pinairal mo lang ang free will mo. Kung nagalit, natawa, nainis o nawalan ng gana sa buhay o sa mga nakasulat dito, salamat. Sa mga kaklase ko na bumisita dito(di ko na kayo papangalanan), salamat sa pagtangkilik sa aking mga kalokohan. Kina Jun, Ali, Daniel, Sharon, Jayson, Alvin, Jethro, Marianne, Alona, Sabido, Santiago, Mary Thomas, Kendra, Yolly, Modesto, Erwin, Helen, Fructuoso, Pilar, Saldana, Bataller, Karl Mina, Guillermo, Isa Paps, Avon Lady, Cheryl, Cox, Leslie, Bollozos, Jope, Xander, Missy, Herrera, Ortigas, Ador, at kung sino mang nakalimutan ko, tanginang mga tao kayo pahirap kayo sa mga estudyante! haha Pero salamat sa pagpapaunlad ng aking pagkatao. Sa mga taong nakibahagi sa kasabawan at ka-emohan ng gabi, umaga at kahit anong oras sa buong araw, salamat. Bibigyan ko kayo ng kendi kapag nagkita-kita tayo. Sa mata para sa panlabas na kaanyuan at sa puso para sa mga pagpapahalaga. Sa inyong lahat, salamat. Kita kits na lang sa bagong tambakan ng isipan ko. Paalam.